-- Advertisements --
Binigyang pagkilala ng U.S. Army ang siyam na sundalo na nasawi matapos na bumagsak ang dalawang Blackhawk helicopters sa Fort Campbell, Kentucky.
Kabilang sa nasawi sa aksident na naganap noong Marso 29 ay dalawang Filipino- American na sundalo na sina Sergeant Isaac Gayo ng Los Angeles at Sergeant Emilie Bolanos ng Austin, Texas.
Mula sa Pilipinas ay nagtungo pa sa US ang mga kaanak nila para sa memorial service na pinangunahan ni Maj. Gen. JP McGee ang commanding general ng 101st Airborne Division.
Sinabi McGee na hindi matatawaran ang katapangang ipinakita ng mga nasawing sundalo.
Base kasi sa imbestigasyon ng mga otoridad na nagbanggaan ang dalawang helicopter sa ere habang nagsasagawa ang mga ito nighttime training exercise.