-- Advertisements --
Inilabas na ng US Army ang pangalan ng dalawa sa tatlong sundalo na nasawi matapos ang pakikipagbanggaan sa eroplano ng American Airlines.
Kinilala nila ang isa na si Staff Sgt. Ryan Austin O’ Hara, 28-anyos mula sa Libum, Georgia na siya ang crew chief ng Black Hawk.
Habang ang pangalawang sundalo ay si Chief Warrant Officer 2 Andrew Loyd Eaves, 39-anyos mula sa Great Mills, Maryland kung saan hindi na nahahanap ang bangkay nito.
Si Eaves ay instructor pilot na nakasakay sa helicopter na mayroong 1,000 flight hours na itinuturing na experienced pilot.
Hindi naman inilabas ang pangalan ng pangatlong sundalo dahil na rin sa hiling ng mga kaanak nito.