-- Advertisements --
KALIBO CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang isang Amerikanong sundalo na bibisit sana sa isla ng Boracay.
Kinilala ang dayuhan na si Tevin Lavell Vaughn, 24, mula New Mexico, USA.
Batay sa ulat ng Malay Municipal Police, papasok ng Caticlan Jetty Port si Vaughn nang makumpiska ang 9-mm pistol na nakita sa dinaanang x-ray machine.
Bukod dito may isang magazine din daw na nakuha mula rito na loaded ng walong bala.
Nang hanapan ng dokumento sa armas ay wala raw itong naipresenta kaya agad itong dinala sa istasyon ng pulis.