Ibinahagi ng US Army Pacific Troops ang kanilang natutunan mula sa mga sundalong Pinoy sa on-going Salaknib 2023.
Ilan sa kanilang natutunan ay ang mga native Filipino survival activities sa kasagsagan ng giyera at iba pang mga sitwasyon.
Kung matatandaan, kahapon nga ay nagsagawa ang US Army Pacific Troops kasama Philippine Army ng live fire exercises kaugnay parin ng Salaknib 2023.
Ilan sa mga isinagawang live fire exercise ay ang pagpapakawala ng High Mobility Artillery Rocket System o HIMARS.
Ito ay isang weapon na ginagamit para sa mga long range targets, umaabot ito ng halos 80 kilometers.
Tinuruan naman ng US Army Pacific Troops ang mga sundalong Pinoy kung paano e operate ang ganitong klase ng weapon nang sa gayon ay kapag mayroon na ang Pilipinas nito ay may sapat nang kaalam sa pag operate.
Pangalawa naman at ang pagpapaputok ng Anti Tank 84 Milimeter weapon, kung saan tig lilimang sundalo ng Pilipinas at US Army Pacific Troops ay gumamit nito sa kauna-unahang pagkakataon.
Ito naman ay para sa short range targets na aabot lamang ng halos 300 meters.
Dito ay tinuturuan ang bawat sundalo ng tactical skills, accuracy at confidence sa pag gamit nitong advanced weapon na Anti-Tank 84 milimeter.
Kaugnay ng nasabing live fire exercises, ibinahagi naman ni US Army In-charge of Marksmanship squad, Jacob Taylor ang so far pakikitungo ng Philippine Army Troops sa mga dayuhang sundalo.
Nagkaroon rin ng squad live fire exercise kung saan ang parehong sundalo ay binibigyang oportunidad nito na makapagpalitan ng kanya kanyang taktika sa battle field at upang mas mapalakas pa ang interoperability sa iba’t ibang scenarios.
Kaugnay parin nito, nasa kabuuang 3,000 na Filipino Armies at US soldiers ang naki isa sa joint military training na Salaknib 2023.
Ito ay taonang combined exercise sa pagitan ng dalawang hukbo