Isasagawa ng Estados Unidos at ng 10 bansa sa Southeast Asia ang kauna-unahang joint maritime exercises sa Setyembre, na naglalayong maibsan ang “pagkakamali” sa rehiyon.
Tradisyunal na kinikilala ang Washington bilang dominanteng naval power sa Southeast Asia, at ang okasyon ay nataon din sa lumalalang trade war sa pagitan nila ng China.
Sa anunsyo ng US embassy sa Bangkok, idaraos ang joint drills sa Setyembre 2 na ilulunsad sa isang naval base sa Chonburi province sa Thailand.
Sa pahayag ng embahada ng Estados Unidos, layon umano ng nasabing aktibidad na panatilihin ang maritime security, at pagtuunan ng pansin at mapigilan ang mga kamalian sa karagatan.
Gagawin mismo ang drill sa karagatan malapit sa lalawigan ng Ca Mau sa Vietnam, kung saan magpapadala ang US Navy ng “suspicious boats” sa isang mock exercise upang tulungan ang mga hukbong dagat sa ASEAN na “search, verify and legally prosecute” ang mga bangka.
Gayunman, nagpahayag ng pagtutol ang isang Thai defense ministry spokesman ukol sa timing ng US-ASEAN drills.
“We held exercises with China, now we are having exercises with the US… it has nothing to do with the current situation,” wika ni Lt. Gen. Kongcheep Tantravanich. (Agence France-Presse)