Inihayag ng Malacañang na on-top-of-the-situation si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginagawang rescue and relief operations sa Cagayan Valley na labis na binaha dahil sa bagyong Ulysses.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, katunayan ay hindi na dinaluhan ni Pangulong Duterte ang virtual US-ASEAN Summit kaninang umaga para magbigay ng direktiba sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay Sec. Roque, pinangunahan ni Pangulong Duterte ang deployment ng mga government resources partikular sa mga air assets ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Airf Force (PAF) at Philippine Navy (PN).
Kabilang umano dito ang dalawang helicopters ng Coast Guard Aviation Force para magsagawa ng aeria extration operations sa Cagayan at Isabela, gayundin ang Coast Guard islander plane.
Pina-deploy na rin umano ni Pangulong Duterte ang Sikorsky S76 SAR helicopter, ang 505 Search and Rescue Group ng PAF at dalawang Bell 412 helicopters para dagdag sa rescue operations.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) regional offices ay kasalukuyan umanong nabibigay ng relief assistance sa mga apektadong residente ng Cagayan Valley at Isabela.