-- Advertisements --

Nagkasundo ang US at Afghan Taliban ng pagbabawas ng kaguluhan sa loob ng pitong araw.

Sinabi ni US Secretary of State Mike Pompeo, na isa itong mahalagang hakbang para sa kapayapaan.

Kapag naging matagumpay ito, magkakaroon ng pirmahan ang dalawang panig sa unang yugto ng kasunduan na naglalayon ng pagtatapos ng dalawang dekadang kaguluhan.

Nabuo ang kasunduan sa halos isang taon na pag-uusap ng dalawang panig.

Sa inilabas ng mga Taliban negotiator na gagawa sila ng groundworkd for peace sa buong bansa kasabay ng pag-alis ng mga foreign forces.

Ikinatuwa naman ni NATO Secretary General Jens Stoltenberg ang nasabing hakbang ng dalawang panig.