-- Advertisements --

Pinaghandaan ngayon ng Estados Unidos ang panibagong sanctions na ipapataw laban sa Rusya.

Ito ay may kaugnayan sa ginawang paglason kay Kremlin critic Alexei Navalny.

Si Navalny ay ang kilalang kritiko ni Russian President Vladimir Putin na inaresto noong buwan ng Enero nang umuwi ito ng Rusya matapos makarekober sa poisoning.

Sinabi ni US President Joe Biden’s national security advisor Jake Sullivan, kailangang parusahan ang Rusya sa ginawa nito.

Napagkasunduan umano ng Amerika at European allies na pagbayarin ang Rusya sa paggamit ng chemical agent laban sa kanilang mamamayan.

Napag-alaman na noong buwan ng Marso, pinarusahan ng Amerika ang direktor ng Russia’s FSB security agency matapos ang panglalason kay Navalny. (with reports from Bombo Jane Buna)