Maraming flights ang nakansela at maraming residente ng US at Canada ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa banta ng winter storms.
Nagdeklara na rin ng state of emergency ang Virginia, Georgia, North at South Carolina dahil sa nasabing sama ng panahon.
Babala ng US National Weather Service (NWS) na tatamaan ang malaking bahagi sa silangan parte ng bansa sa darating na dalawang araw.
Inaasahan kasi ang pagdating malaking yelo na lubhang delikado sa mga motorista.
Nagbabala rin sila ng posibleng pagbaha sa ilang lugar gaya ng New York, Connecticut at ilang kalapit na lugar nito.
Naglabas din ng storm warning ang Environment Canada dahil sa inaasahang pag-ulan ng yelo sa probinsiya ng Ontario.
Aabot sa 2,400 flights ang kinansela ng US airlines, isa ng naapektuhan dito ang Charlotte-Douglas International Airport sa North Carolina.
Nanawagan naman si South Carolina Governor Henry McMaster sa kababayan nito na manatili na lamang sila sa loob ng kanilang tahanan.