-- Advertisements --
Nagkasundo sina US President Donald Trump at Canadian Prime Minister Justin Trudeau na isara ang kanilang mga border.
Ito ay para hindi na kumalat pa ang coronavirus na posibleng dala ng mga tinatawag na non-essential travellers.
Sinabi ni Trump na temporaryo lamang ang pagsasara nila ng Northern Border.
Nilinaw naman nito na hindi maaapektuhan ang kalakalan ng dalawang bansa.
Nauna ng nagpatupad ng travel bans ang dalawang bansa subalit may mga ibang exemptions.
Magugunitang hindi sang-ayon noon si Trudeau sa pagsasara dahil halos 200,000 na mga taga-Canada ang tumatawid sa US.
Aabot na kasi sa 6,496 na katao ang nadapuan ng virus sa US sa 50 estado kung saan 114 na nasawi.