-- Advertisements --
Nagkasundo ang US at Canada na paliwigin ang pagbabawal ng hindi mahalagang biyahe sa dalawang bansa sa loob ng 30 araw.
Sinabi ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau, na pumayag ang US na payagan ang pagbiyahe ng dalawang bansa hanggang Hunyo 21.
Hindi kasama aniya sa ban ang biyahe na may kinalaman sa kalakalan.
Ayon kay Trudeau na mahalaga aniya ang nasabing desisyon para mapanatiling ligtas ang mga tao.
Unang ipinatupad ang nasabing hakbang noong Marso hanggang napalawig ito ng Abril at Mayo 21.