Nagpulong sina United States Defense Secretary Lloyd Austin at Chinese Defense Secretary Dong Jun sa pamamagitan ng video teleconference.
Ito ang kauna-unahang pagpupulong muli ng dalawang matataas na defense official ng Estados Unidos at China makalipas ang halos 18 buwan.
Ayon sa Pentagon, naging sentro ng talakayan ng dalawang opisyal ang mga usaping may kaugnayan sa regional at global security kung saan binigyang-diin ni Sec. Austin ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng open lines of military-to-military communication sa pagitan ng Amerika at China.
Sa naturang pagpupulong ay iginiit din ni Austin na magpapatuloy ang Estados Unidos ang kahalagahan ng pagrespeto sa high seas freedom navigation alinsunod sa umiiral na international law, partikular na sa West Philippine Sea.
Samantala, sa panig naman ng China ay binigyang-diin nito na dapat ay kilalanin ng Amerika ang posisyon, territorial sovereignty at maritime right and interests ng kanilang bansa sa West Philippine Sea at maging sa Taiwan.
Kung maaalala, Nobyembre 2022 pa noong huling nagpulong ang mga Defense Secretary ng US at China sa Wei Fenghe sa Cambodia.