Napagkasunduan ng US at Chinese government na luwagan ang travel at visa restrictions sa kani-kaniyang mga journalist ng dalawang bansa.
Resulta ito ng negosasyon sa virtual summit sa pagitan nina US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping
Sa naturang kasunduan, pinapayagan ang mga mamamahayag na makapasok at makaalis ng mas malaya mula sa dalawang bansa.
Bukod pa rito, palalawigin din ang validity ng visas ng mga journalists ng dalawang bansa ng hanggang isang taon provided na sila ay eligible alinsunod sa batas at mga alituntunin.
Maaalala noong Pebrero noong nakalipas na taon, ipinag-utos ng US ang mahigpit na pagkontrol sa mga Chinese state media organisations gaya ng Xinhua news agency at China Global television.
Bunsod nito bumwelta ang China at pinatalsik ang 13 US journalist mula sa malalaking publications gaya ng New York Times, Washington Post at Wall Street Journal.
Hindi pa malinaw kung ang mga American nationals na mamamahayag na napatalsik ay papayagan ng makabalik sa China sa ilalim ng bagong kasunduan sa pagitan ng Amerika at China. (with reports from Bombo Everly Rico)