-- Advertisements --

Ipinag-utos ni US President Donald Trump ang pagpapataw ng mabigat na taripa at sanctions sa Colombia.

Kasunod ito sa ginawang pagpapataboy ng Colombia sa US military flights na may sakay na mga ipina-deport na migrants.

Ayon kay Trump na ang hakbang na ginawa ng Colombia ay ang isang banta sa national security ng US.

Dahil dito ay papatawan ng US ng 25% na emergency na taripa sa mga produktong dinadala sa US.

Papatawan din ng travel ban at agarang visa revocations sa mga government officials ng Colombia, mga ka-alyado nito at supporters.

Magpapataw din ng visa sanctions sa lahat ng party members, family members at supporters ng Colombian government.

Nanindigan naman ni Colombian President Gustavo Petro na hindi ito natatakot sa banta ni Trump.

Matapos naman ang ilang pag-uusap ay kinumpirma ni Colombian Foreign Minister Luis Gilberto Murillo na nagkaroon na pag-uusap at tatanggapin ng Colombia ang mga pabalik na mga mamamayan nila.