-- Advertisements --

Naghahanda ng ng panibagong sanctions ang Amerika at European Union laban sa Russia kaugnay ng alegasyong pagpatay sa mga sibilyan sa Bucha, Ukraine na tinawag ni Ukrainian President Zelensky na war crimes.

Target ng planong karagdagang sanctions ng Amerika, Group of 7 advanced economies atng European Union ang Russian finacial institutions maging ang mga opisyal ng Russia at ang kanilang pamilya.

Gayundin ang pag-ban sa bagong investment sa Russia at state-owned enterprises.

Sa proposed sanctions ng EU, pagbabawalan ang Russian coal at pipigilan ang Russian ships na makapasok sa mga pantalan ng EU.

Ayon kay EU executive Ursula von der Leyen, kasalukuyang pinag-aaralan din ang pagbabawal sa oil imports mula sa Russia.

Ang panibagong sanctions ay dahil na rin sa tumitinding global accusations ng war crime ng Russia sa Ukraine. Batay sa claims ng Ukrainian officials na daan-daang mga sibilyan ang tinorture at pinatay ng Russian troops sa Bucha, Ukraine.

Base sa inilabas na datos ng Ukrainian prosecutors, iniimbestigahan na ang 4,684 na umano’y Russian war crimes.