-- Advertisements --

Nanawagan ang US at ilang European Union countries para sa agarang pagpapalaya kay Russian opposition leader Alexei Navalny.

Ikinulong kasi ang 44-anyos na si Navalny matapos ang pagdating nito sa Moscow mula sa Germany.

Binubuo ng mga bansang France, Italy, Germany at ang pangulo ng European Commission sa mga nanawagan sa pagpapalaya kay Navalny.

Magugunitang nilason si Navalny noong Agosto habang ito ay nasa loob ng eroplano.
Dahil dito ay nagpagamot ito sa Germany.

Mariing pinabulaanan naman ni Russian President Vladimir Putin na siya ang nasa likod ng paglason kay Navalny.

Inaresto si Navalny dahil umano sa paulit-ulit na paglabag sa probation period na may kinalaman sa nakanselang hatol sa kaso nitong pagnanakaw ng pondo sa dating pinagtatrabahuan.