Plano ng US at Germany na magpadala ng mga tangke sa Ukraine na inaasahan ng Kiyv na magiging game-changer sa kanilang laban kontra sa Russia.
Inaasahang iaanunsiyo ni US President Joe Biden ang pagpapadala ng nasa 30 M1 Abrams tanks na inaasahang ipapadala sa araw ng Miyerkules.
Napaulat din na nagpasya si German Chancellor Olaf Scholz na magpadala ng 14 na ,
Una ng inihayag ng mga opisyal ng Ukraine na nangangailangan sila ng malalakas na weapons at sapat na tangkeng pandigma para makatuilong sa Kyiv na mabawi ang kanilang teritoryo mula sa Russians.
Inihayag naman ng ambassador ng Russia sa Amerika na isang panibagong lantarang probokasyon ang hakbang na ito ng US.
Habang sinabi naman ng tagapagsalita ng Kremlin na ang napaulat na desisyon ng Germany ay walang magandang maibibigay at mag-iiwan lamang ng isang pangmatagalang lamat sa relasyon nito sa Russia.