-- Advertisements --
Inanunsiyo ni US President Joe Biden na may mga makabagong armas na matatanggap ang Ukraine dahil sa patuloy ang pag-atake na ginagawa ng Russia.
Sa talumpati ni Biden ng maging host ang US sa North Atlantic Treaty Organization (NATO ) summit.
Sinabi nito na kasama ng US ang Germany, Netherlands, Romania at Italy ang magbibigay ng karagdagang armas sa Ukraine.
Makakarating sa Ukraine ang dagdag na tactical air defence systems sa susunod na buwan.
Ang anunsiyo ay isang araw matapos na tamaan ng missile ng Russia ang isang pagamutan ng mga bata sa Kyiv na ikinasawi ng maraming tao.