Pumirma ang US at India ng kasunduang militar.
Patungkol ito sa pagbabahagi ng mga sensitibong satellite data sa pinag-aagawang border ng India at China.
Pinangunahan ito ni US Secretary of State Mike Pompeo, US Secretary of Defence Mark Esper at Indian Defence Minister Rajnath Singh at Foreign Minister S Jaishankar.
Inanunsiyo ang nasabing kasunduan sa isinagawang 2+2 high-level talks sa Delhi.
Maraming mga ekspersto ang naniniwala na layon ng pagpapatibay ng ugnayan ng India at US ay para kontrahin ang impluwensiya ng China sa rehiyon.
Isa sa mga napirmahang kasunduan ay Basic Exchange and Cooperation Agreement on Geospatial Cooperation, o BECA, na bibigyan ng karapatan ang India na makita ang sensitive geospatial and aeronautical data.
Sa nasabing kasunduan ay makakapagbigay ng agarang tulong ang US sa India sakaling may mga bansang lulusob sa kanila.