-- Advertisements --
Ibinunyag ni US President Donald Trump na naging maganda ang pag-uusap ng ilang miyembro ng kaniyang administrasyon at mga Iranian delegasyon sa United Nations General Assembly.
Sinabi nito na umabot ng hanggang tatlong oras at isang magandang pagpupulong ito.
Giit ng US President na mayroong dalawang option ang Iran ang pagtugon sa peace deal o ang tuluyang pagkasira ng kanilang bansa.
Magugunitang makailang ulit ng binantaan ni Trump ang Iran na kapag hindi tumugon sa peace deal at hindi tumigil sa pag-atake sa mga barkong dumadaan sa Strait of Hormuz ay maglulunsad sila ng malawakang pag-atake.
















