-- Advertisements --
Xiyue Wang
Xiyue Wang

Pinakawalan na ng Iran ang convicted Chinese-American researcher kapalit ang pagpapalaya ng Iranian scientist na hawak ng US.

Si Xiyue Wang ay inaresto sa Iran noong 2016 dahil sa kasong pang-iispiya.

Habang si Massoud Soleimani na isansg stem cell expert ay inaresto rin sa Chicago airport noong nakaraang taon.

Inakusahan ito ng pagalabag sa trade sanctions at tinangkang mag-export ng biological material sa Iran.

Kapwa namang pinabulaanan ng dalawa ang nasabing mga akusasyon.

Pinasalamatan ng US at Iran ang Swiss government na siyang umalalay sa dalawa para sa kanilang pagpapalaya.