-- Advertisements --

Siningil ng Estados Unidos at Iran ang bawat isa sa nangyaring pagsiklab ng tensiyon sa Persian Gulf.

Marami ang nag-aalala na posibleng may mangyaring hidwaan bago ang paggunita ng isang taon mula nang mapatay ng Amerika ang pinakamapangyarihang pigura ng militar nito, tatlong linggo bago uupo sa puwesto si President-elect Joe Biden.

Umapela ang Iran sa UN Security Council na pigilan ang Estados Unidos sa pagsagawa ng tinawag nitong “military adventurism” sa Gulf at sa Oman Sea, kasama na ang pagpapadala ng mga nuclear-capable bombers sa rehiyon.

Sinabi ng Iran na ayaw nila ng hidwaan ngunit handa nilang ipagtatanggol ang sarili kung kinakailangan.

Napag-alaman na ang Amerika ay nagpadala ng nuclear-capable B-52 bombers sa Middle East.

Kung maalala, napatay ng US military noong Enero 3 ng nakaraang taon sa ilalim ng Trump administraion si Iranian Gen. Qasem Soleimani. (with reports from Bombo Jane Buna)