-- Advertisements --

Mahigpit na mino-monitor ng US officials ang naganap na pagpaslang sa pangunahing nuclear scientist ng Iran.

Sinisisi ng Iran ang Israel na siyang utak daw sa alleged assassination.

Sa ngayon, nag-alinlangan pa ang Amerika na magbigay ng pahayag sa nasabing isyu upang maiwasan ang karagdagang tension.

Gayundin naman wala pang komentaryo ang Israel.

Nauna nang pinatay si Mohsen Fakhrizadeh na siyang ikinokonsiderang mastermind ng kontrobersiyal na nuclear program ng bansa matapos tambangan ang kaniyang sasakyan sa silangang bahagi ng Tehran. (with report from Bombo Jane Buna)