Nagpahayag ng pagkondena ang mga ambasador ng Japan at Amerika kaugnay sa panibagong mga agresibong aksiyon ng Chinese vessels laban sa barko ng PH sa West Philippine Sea.
Sa isang pahayag, sinabi ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya na nagpahayag ng matinding pagkabahala ang gobyerno ng Japan kaugnay sa paulit-ulit na mapanganib at agresibong aksiyon ng Chinese vessels sa WPS.
Kaugnay nito, naninindigan ang Japan sa PH at sinabing makikipag-tulungan sa like-minded countries sa pagpapanatili at pagpapaibayo pa ng malaya at open international order batay sa rule of law.
Kinondena din ng kaalyado ng PH na Amerika partikular na ni US Ambassador MaryKay Carlson ang mga aksiyon ng China sa Ayungin shoal na nagdulot ng pinsala sa barko at personnel ng PH gayundin ang pagharang sa lehitimong maritime operations para magsuplay ng pagkain, tubig at essential supplies para sa tropa ng PH sa loob ng exclusive economic zone ng PH.