-- Advertisements --

Magsasagawa ng training exercises ang dalawang barkong pandigma ng US sa West Philippine Sea.

Ayon sa US Navy na ang nasabing hakbang ay para maibsan ang impluwensiya ng China sa nasabing karagatan.

Kinabibilangan ito ng USS Abraham Lincoln Carrier Strike Groups at USS Carl Vinson kasama ang USS Essex Amphibious Ready Groups.

Kasama nila sa exercise ang Japan Maritime Self Defense Force.

Ilan sa mga pagsasanay na kanilang isasagawa ay ang anti-submarine warfare operatioins, air warfare operations at maritime interdiction operations para mapalakas ang kanilang kahandaan.

Ang pagsasanay ay naaayon sa international law sa international waters.