-- Advertisements --

Tiniyak ni US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Yoshihide Suga ang kanilang mahigpit na alyansa laban sa anumang banta.

Si Suga ang siyang kauna-unahang mataas na lider ng isang bansa na bumisita sa US mula ng maupo si Biden.

US AND JAPAN

Sinabi ni Biden na naging produktibo ang kanilang pag-uusap.

Handa ring magsama ang dalawa para ipagtanggol ang karapatan ng bawat rehiyon.

Tiniyak din ng dalawa ang pagtutulungan nila para labanan ang COVID-19 pandemic.

Ibinunyag din ng Japanese Prime Minister na napag-usapan nila ang koordinasyon at kooperasyon sa usapin nang pagiging agresibo ng China sa bahagi ng South China Sea, ganon din ang regional security issues kabilang na ang nuclear program ng North Korea.

Hindi naman maiwasan na talakayin ni Biden ang naganap na mass shooting sa US kung saan tinawag nito na malaking kahihiyan sa buong mundo ang nangyayaring mass shooting sa US na halos araw-araw.