-- Advertisements --
HIndi tumitigil ang US at ilang mga kaalyadong bansa para mapigil ang paglaki ng kaguluhan sa Middle East.
Sinabi US Secretary of State Antony Blinken, wala silang kapaguran para makauwi ng ligtas ang mga Lebanese at Israelis sa kanilang kabahayan.
Hindi rin nito ikinaila na maaring lumala pa talaga ang nasabing kaguluhan sa Middel East.
Isa sa mga mahalagang tugon ngayon ay ang pagkakaroon ng diplomasya.
Una ng pinalawak ng Israel ang kanilang ginagawang airstrikes sa Lebanon kung saan ang pangunahing target nila dito ay ang mga Hezbollah.
Ipinaliwanag din noon ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang kanilang tunay na kalaban ay ang mga Hezbollah at hindi ang mga Lebanese.