-- Advertisements --
Magpapadala ang US at mga kaalyadong NATO allies ng ilang surface-to-air missiles systems sa Ukraine bilang tulong sa kanilang pagdepensa sa pag-atake sa Russia.
Ayon sa isang US senior official na ang nasabing karadagang system ay kinabibilangan ng SA-8, SA-10, SA-12 at SA-14 mobile air defense systems.
Angmga ito aniya ay mas mababa ang lipad kumpara sa S-300 system na hiniling ng Ukraine subalit mas malayo ang kapasidad nito kumpara sa mga naipadala noong nakaraang mga buwan.
Kasalukuyan na itong nasa biyahe na inasaahang agad itong magagamit ng Ukraine.