-- Advertisements --

Nakatakdang magpulong sa araw ng Martes sina Defense Sec. Delfin Lorenzana at kanyang US counterpart na si Mark Esper sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ayon kay Defense Spokesperson Dir. Arsenio Andolong, wala pang specifics kung ano ang kanilang pag-uusapan pero isa rito ang pagpapaigting sa relasyon ng Pilipinas at Amerika, kampanya kontra terorismo at isyu sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Andolong na pinaplantsa pa ang ilang detalye para sa nasabing pulong.

Nasa bansa si Esper para sa isang official visit.

Sa kabilang dako, kinumpirma naman ng defense department na magkakaroon ng increase sa military activities ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Australian counterpart nito.

Ito’y matapos mapagkasunduan ng dalawang bansa na ipagpapatuloy ang kanilang ginagawang joint military exercises sa ilalim ng enhanced program.

Ani Andolong sa nasabing programa, target ng Australian Armed Forces na bigyan ng training and activities sa mga sundalong Pinoy.

Nais kasi ng Australia palakasin pa ang kanilang engagement sa kanilang Philippine counterpart.

Sa ngayon nasa 10,000 Filipino soldiers na ang nabigyan ng training ng Australian forces partikular sa urban warfare at counter terrorism at dadagdagan na ito ngayon na Humanitarian Assistance Disaster Responce (HADR).