Napagkasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos na muling ipagpatuloy ang pagsasagawa ng joint maritime patrols sa West Philippine Sea.
Ito ay matapos na una nang suspindihin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng anumang maritime patrol sa nasabing pinag-aagawang isla.
Kasunod ng naging pagbisita ni United States Defense Secretary Lloyd Austin III sa Pilipinas ay inihayag nito na kanilang napagkasunduan ni National Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na muling simulan ang pagsasagawa ng joint maritime patrols sa West Philippine Sea bilang bahagi ng pagtugon sa mga nararanasang regional security challenges sa lugar tulad na lamang ng mga namamataang ilegal na presensya ng mga barko ng China doon.
“The two leaders agreed to restart joint maritime patrols in the South China Sea to help address these challenges.”, bahagi ng isang pahayag ng US Defense Secretary Lloyd Austin III.
Ito ay alinsunod pa rin sa naging kasunduan ng dalawang bansa na mas paigtingin pa ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Giit pa ng US official, ang hakbang na ito ay bahagi pa rin ng patuloy na pakikipagtulungan ng Estados Unidos sa mga kaalyado nito na mayroong kaparehong pananaw at pagpapahalaga sa kalayaan ng buong Indo-Pacific region.
Kaugnay nito ay isiniwalat din ni Austin na kabilang din sa kanilang tinalakay ni National Defense Secretary Galvez ang pagpapanatili ng rules-based international order na inaasahan aniya nilang dalawa na parehong gagalangin ito ng dalawang bansa.
“So we will continue to work with our allies and partners in the region who are like-minded and who value a free and open Indo-Pacific. And you’ve heard both of us talk about that today. That — that’s real important. You’ve also heard us talk about the rules-based international order and maintaining that, so, you know, the ability of nations to sail the seas and operate in international waters and operate in the international skies, I think, is really important. And we would look for countries to respect a rules-based international order.” ani ng US official.
Samantala, sa ngayon ay nilinaw ng mga kinauukulan na patuloy pa rin nilang pinaplantsa ang mga guidelines kung paano nila isasagawa ang naturang joint maritime patrol ng Pilipinas at Amerika sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Kung maalala, kaugnay nito ay napag-usapan din ng dalawang opisyal ang paggawa ng mga konkretong aksyon upang tugunan ang ginagawang destabilizing activities sa mga katubigang sakop ng Pilipinas, kabilang na ang West Philippine Sea na pilit na inaangkin ng bansang China.