Magsasagawa ng pagsasanay ang Marine Corps ng Pilipinas at Amerika sa pinakahilagang mga probinsiya ng Luzon at Palawan, mga lugar na nakaharap sa Taiwan at West Philippine Sea na highlight ng itinuturing na pinakamalaking Marine drills sa pagitan ng 2 bansa.
Ang taunang drills sa pagitan ng Marine forces ng PH at US na binansagang Marine Aviation Support Activity (Masa) ay pormal na nagsimula kahapon, araw ng Lunes, Hunyo 31 sa isang opening ceremony sa Taguig cixty na marka ng pagsisimula ng pagsasanay na magtatagal pa hanggang sa Hunyo 21.
Lalahok sa naturang pagsasanay ang 3,175 na personnel kabilang ang 2,200 marines mula sa US karamihan ay magmumula sa United States Marine Corps (USMC), at 975 personnel mula sa PH karamihan ay mula sa Philippine Marine Corps (PMC).
Isasagawa sa Palawan ang close air support drills sa pagitan ng PMC at USMC.
Nakaharap ang Palawan sa WPS na flashpoint ng tensiyon sa pagitan ng PH at China.
Sa kabila nio, nilinaw naman ni Masa’s exercise director Brigadier General Romeo Racadio na hindi direktang nakatuon ang naturang drills sa pagtugon o pagresolba sa naturang mgaa tensiyon.
Samanta,a sa Ilocos Norte naman magsasagawa ng littora live fire drills habang isasagaa naman ang ilang subject matter expertise exchanges sa Batanes.
Ang 2 probinsiyang ito at malapit sa Taiwan na itinuturing ng China bilang probinsiya nito.