Nagkasundo ang Amerika at Pilipinas na palakasin pa ang partnership at kooperasyon ng dalawang bansa partikular na sa nuclear energy.
Kasunod ito ng paglagda nina Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. at US State Undersecretary of State for arms control and international security Bonnie Jenkins sa Nuclear cooperation Memorandum of Understanding para mapagtibay ang kooperasyon sa energy security at diplomatic at economic relationship.
Sa inilabas na statement ng US State Department, na sa pamamagitan ng naturang kasunduan matutulungan ng Amerika ang partners nito para makapagtatag ng kanilang imprstruktura para sa responsableng paggamit ng nuclear energy at technology at magkaroon ng mataas na standards sa nuclear safety, security at nonproliferation kabilang na ang independent regulatory oversight.
Ang kasunduan sa dalawang bansa ay nilagdaan matapos na pirmahan ng Pangulong Duterte ng isang executive order na nagpapahintulot sa paggamit ng nuclear energy sa ating bansa.