Inilunsad ng Philippine Coast Guard (PCG) ang two-day joint exercises kasama ang US counterpart sa bahagi ng West Philippine Sea malapit sa Zambales.
Layon nito na mapalakas ang interoperability ng dalawang civil maritime forces.
Umaabot sa 150 PCG personnel, na kinakatawan ng BRP Gabriela Silang, BRP Melchora Aquino at Cessna Caravan 208 aircraft, ang sumali sa mga drills habang nasa 250 personnel naman mula sa US Coast Guard, kasama ang vessel Cutter Midgett (WMSL-757).
Sinabi ng PCG ang kanilang sea joint drills ay kinabibilangan ang communication exercises, maneuvering drills, photo exercises, decoding messages, small boat operations at iba pa.
Ayon sa PCG kasama rin sa kanilang pagsasanay ang boarding operations, search and rescue exercises, at ang medical assistance.
Agad namang nilinaw ni PCG spokesman Commodore Armand Balilo na ang naturang joint exercise ay walang kinalaman sa paghahanda sa ibang kalapit na bansa dahil normal ang ganitong joint exercises.