Mas pinalalim pa ng Pilipinas at US ang kanilang ugnayan sa gitna na rin nang agresibong pagpapalakas ng puwersa ng China sa ilang bahagi ng West Philippines Sea (WPS).
Sa isinagawang bilateral strategic dialogue nitong nakalipas na Nobyembre 15 hanggang 16, tiniyak ng dalawang bansa na palalawigin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagtugon sa nagaganap na expansion ng China sa West Philippine Sea at ang krisis sa COVID-19 pandemic.
Una nang dinaluhan ang pulong nina US Assistant Secretary of State Daniel Kritenbrink, Assistant Secretary of Defense Ely Ratner, Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Ma. Theresa Lazaro at Department of National Defense (DND) Undersecretary Cardozo Luna.
Nagbigay din nang pahayag ang dalawang bansa kung paano mapapanatili ang regional at global peace and stability.
Natalakay din na iligal ang ginagawang harassment ng China sa mga mangingisda ng Pilipinas na nasa West Philippines.
Nakatakda din silang magkaroon ng Maritime Dialogue sa taong 2022.