-- Advertisements --

Nagsama ang Saudi Arabia at US na nanawagan ng pagpapalawig ng ceasefire deal sa Sudan.

Kasunod ito sa pagtatapos ang itinakdang isang linggong ceasefire sa pagitan ng Sudanese army at ang paramilitary na Rapid Support Forces (RSF).

Ikinabahala ng United Nations humang rights monitors na kahit may umiiral na ceasefire ay nagpapatuloy pa rin ang labanan ng dalawang puwersa.

Magugunitang mula ng sumiklab ang labanan noong Abril 15 ay nasa 1.3 milyon katao na ang lumikas sa kanilang mga kabahayan at ilang daang katao na rin ang nasawi.