-- Advertisements --

Tuluyan ng sinuspendi ng US at Saudi Arabia ang ceasefire talks sa pagitan ng naglalabang puwersa sa Sudan dahil sa hindi ito nasusunod.

Ayon sa White House na tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Saudi Arabia at sa African Union para tuluyang matigil ang kaguluhan na nagsimula pa noong Abril.

Makailang beses na silang nagpatupad ng ceasefire ay hindi pa rin tumatalima ang Sudanese Army at ang paramilitary na Rapid Support Forces dahil sa patuloy ang kanilang labanan.

Una ng pinatawan ng US ng sanctions ang dalawang lider ng magkalabang puwersa sa Sudan kung saan kabilang na dito ang restriction sa kanilang visa at pag-freeze sa kanilang ari-arian.