-- Advertisements --
image 297

Nakatakdang simulan ng South Korea at United States ang kanilang pinakamalaking joint exercises sa loob ng limang taon matapos na magbabala ang Pyongyang ng mga pagsasanay na maaaring ituring bilang isang “war declaration”.

Pinalakas ng Washington at Seoul ang defense cooperation nito sa harap ng lumalaking banta ng mga militar mula sa North Korea.

Kung matatandaan, nagsagawa ng mga maraming missile test ang North Korea nitong mga nakaraang buwan.

Ang pagsasanay ng US at South Korea, na tinatawag na Freedom Shield, ay nakatakdang tumakbo nang hindi bababa sa 10 araw.

Ang Seoul military at ang mga espesyal na pwersa ng Washington ay nagsiwalat na nagsasagawa ito ng mga pagsasanay sa militar na “Teak Knife”.

Ito ay kinabibilangan ng mga precision strike sa mga pangunahing pasilidad sa North Korea bago ang naturang Freedom Shield.