-- Advertisements --
Tinanggal na ng US ang kanlang ipinataw na taripa sa mga bakal at aluminum sa Canada.
Ito ay matapos ang panibagong pakikipagkasunduan ng dalawang bansa.
Sa inilabas na joint statement, na ang 25% import tariff sa steel at 10% naman sa aluminum ay tatanggalin na sa loob ng 48 na oras.
Mahigpit na magbabantay ang dalawang bansa kung saan kapag determinado sila sa pagbili ng sobra ay maaaring magsagawa ng konsultasyon at posibileng ibalik ang pagpataw ng taripa.
Inaasahan din na matatangal na rin sa mga susunod na araw ang ipinataw ng US na taripa sa Mexico.