-- Advertisements --
Inakusahan ng United Kingdom at US ang China dahil sa cyber-attack.
Tinarget kasi nito ang Microsoft exchange servers na nakaapekto ng 30,000 organisasyon sa buong mundo.
Ayon sa UK, ang China ang nasa likod ng atake habang iginiit ng European Union na mula sa teritoryo ng China ang mga attackers.
Inakusahan din ang Chinese Ministry of State Security (MSS) ng malawakang pang-iispiya.
Mariing pinabulaanan naman ng China ang nasabing alegasyon.
Ibinunyag ng hackers ang kahinaan ng Microsoft Exchange na hinahayaang makapasok ang backdoors sa nasabing sistema.
Binalaan ni UK Foreign Secretary Dominic Raab ang China na dapat tigilan na nito ang systematic cyber-sabotage at tiniyak na kanila itong gagantihan.