-- Advertisements --

Nagsagawa na ng air-strike ang United Stated of America at United Kingdom laban sa militanteng grupo na Houthi na naka base sa Yemen.

Ang naturang strike ay ang aksyon ng mga naturang bansa laban sa mga ginagawang pag-atake ng militanteng grupo sa mga vessels na tumatawid international shipping lanes sa Red Sea at Gulf of Aden.

27 na barko na ang inatake ng Houthis sa naturang anyong tubig na pumapagitna sa Asya at Europa, na nagiging malaking sagabal sa trade sa pagitan ng mga bansa sa dalawang kontinente.

Mariin na sinabi ni US President Joe Bidden na hindi kukunsintehin ng gobyerno ng US ang mga pag-atake na ginagawa ng Houthis sa mga vessels ng bansa, o alin mang aksyon na lumalabag sa freedom of navigation.

Binanggit ng isang opisyales ng Estados na nagpadala ang bansa ng aircraft, ships, at submarine para sa isinasagawang strike.

Sinusoportahan din mga bansang Australia, Bahrain, Canada, at Netherlands ang isinasagawang operasyon ng US at UK laban sa Houthis.

Nauna nang nilabag ng militanteng grupo ang panawagan ng United Nations at gobyerno ng U.S. sa pagpapatigil ng pag-atake sa Red Sea.

Sinabi ng Houthis na ang ginagawa nilang pag-atake ay pagpapakita rin ng suporta sa Hamas, ang rebeldeng grupo na kumukontrol sa Gaza.