-- Advertisements --

Nagsagawa ng panibagong air strikes ang mga fighter jets ng US at United Kingdom sa 18 Houthi sites sa Yemen.

Ito na ang pang-apat na joint operations laban sa mga Houthi rebels.

Ayon sa UK na ang hakbang nila ay para lalong mapahina ang kapasidad ng mga Houthi rebels.

Mula ng magsimula ang labanan ng Israel sa Hamas ay tinatarget ng mga Houthi rebels ang mga dumadaang sasakyang pandagat sa bahagi ng Red Sea.