Hinimok ng top diplomats ng US at UK ang China na sumunod sa rules-based maritime order sa gitna ng mapanganib na mga aksiyon nito laban sa mga barko ng Pilipinas sa disputed sea.
Sa isang joint statement, kapwa binigyan diin nina US Secretary of State Antony Blinken at British Foreign Secretary David Lammy ang kahalagahan ng pagrespeto sa batas sa karagatan salig sa nakasaad sa UN Convention on the Law of the Sea.
Ginawa ng 2 top diplomat ang pahayag matapos na magsagawa ng agresyon ang Chinese vessels sa mga barko ng PH malapit sa Escoda shoal a West Philippine Sea noong Agosto sa pamamamagitan ng makailang beses na pagbangga sa BRP Teresa Magbanua na idineploy sa lugar na ikinapinsala nito.
Nananatiling nakasuporta naman ang US sa Pilipinas at pinaalalahanan ang China na dedepensahan nito ang matagal na kaalyado sa rehiyon na Pilipinas sakaling magkaroon armadong pag-atake sa bisa ng Mutual Defense Treaty