-- Advertisements --

Nagbabala ang US at Vietnam laban sa paggamit ng anumang puwersa sa pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.

Sa ginawang pulong ni US President Joe Biden at Vietnam Communist Party chief Nguyen Phu Trong na dapat ay idaan sa international norms ng mga bansang umaangkin sa nasabing lugar.

Dagdag pa ng dalawa na ang suportado ng maraming lider ang pagsasagawa ng mapayapang resolution sa nasabing agawan.

Inilabas ang nasabing pahayag matapos na nagkasundo ang dalawang lider na magkaroon ng malalim na kooperasyon ng US at Vietnam.

Magugunitang hindi kinikilala ng China ang international court kung saan sinasakop nito ang buong West Philippine Sea.