Hindi pinaporma ng US House of Representatives si Attorney General William Barr matapos na na ito ay inimbitahan para bigyang linaw ang pagpapadala ng mga federal agents sa malaking bahagi ng US kung saan merong nagsasagawa ng kilos protesta.
Tumestigo kasi si Barr sa House Judiciary Committee matapos ang batikos na hinaharap ng Justice Department sa pagpapadala ng mga federal officers para buwagin ang mga nagaganap na kilos protesta sa Portland, Oregon at Washington, D.C.
Sinabi ni Committee Chairman Jerrold Nadler, ang pagpapakalat daw ng federal agents ay para mapalakas ang re-election campaign ni US President Donald Trump.
Pagtatangol naman ni Barr na nais lamang nilang masawata ang pagiging bayolente ng mga protesters na sinisira na raw ang mga gamit ng federal government.
Magugunitang sumiklab ang kilos protesta sa malaking bahagi ng US matapos ang naganap na pagkasawi ng black American na si George Floyd sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.
Ang mga ito ay nanawagan din nang pagtanggal na ng racial injustices.