-- Advertisements --

Pinahintulutan na ni Attorney General Bill Bar ang Department of Justice (DOJ) prosecutors na siyasatin ang reklamo ng kampo ni US President Donald Trump na meron umanong nangyaring pandaraya ng botante sa naganap na halalan sa Estados Unidos.

Ang nasabing desisyon ay sumasalungat sa matagal nang nakasanayan ng departamento na manatili sa mga proseso ng halalan.

Gagawin ito ng ahensiya upang matapos na ang akusasyon ng panig ng Republican President na ninakawan daw sila ng mga boto ng grupo ni US President-elect Joe Biden kahit wala silang maipakita na ebidensiya.

Nauna nang nagsampa ng demanda ang kampo ni Trump sa mga battleground state ng Arizona, Pennsylvania, Nevada, at Michigan.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung ano ang iimbestigahan ng ahensiya.

Nananatiling nagmamatigas at ayaw pa ring mag-concede ni Trump dahil naniniwala siyang mababago pa ang resulta ng halalan bunsod ng reklamo nila na dayaan na inihain sa US Supreme Court.