-- Advertisements --
Tiniyak ni US Attorney General William Barr sa mga mambabatas na ilalabas niya ngayong linggo ang buong ulat ni Special Counsel Robert Mueller sa panghihimasok ng Russia noong 2016 elections.
Sinabi nito na isasapubliko niya ang nasabing report at ito ay makikipag-ugnayan sa mga lider ng judiciary.
Magugunitang ipinasakamay ni Mueller ang buong ulat kay Barr noong Marso matapos ang 22-buwang imbestigasyon.
Ang nasabing ulat ay naglalaman kung may sabwatan bang naganap sa pagitan nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.