-- Advertisements --
Plano ngayon ng US na pagbawalan ang mga asylum seekers mula sa mga bansang may mataas na kaso ng coronavirus.
Ang na nasabing plano ay mula mismo sa Department of Homeland Security at Department of Justice na magbibigay sa administrasyon ni President Donald Trump na mahirapan pa lalo ang mga migrants na makakuha ng tulong sa mula sa US.
Layon aniya ng nasabing plano ay para hindi na kumalat pa ang nasabing virus.
Sinabi naman ni Aaron Reichlin-Melnick, policy counsel at the American Immigration Council, na sa nasabing paraan aniya ay matatapos na ang paghingi ng asylum sa US ng mga asylum seekers.