Binigyang diin ni Sen. Leila de Lima na hindi fake news ang isyung nakasama sa budget law ng America ang pag-ban sa mga opisyal ng Pilipinas na nagpakulong sa kaniya.
Ayon kay De Lima, ang naglabas ng impormasyon na nagsasabing hindi totoo ang resolusyon ng US Congress ang talagang nagkakamali.
Paliwanag nito, hindi magkatulad ang budget bill sa Pilipinas at America.
Giit ng senadora, nakabase ang US appropriations bill sa “omnibus bill”, kung saan nakatala ang State and Foreign Operations Appropriations (SFOPs).
Sa nasabing bahagi umano ng resolusyon nakalagay ang pag-ban sa mga opisyal ng Pilipinas na nagpakulong sa kaniya dahil sa mga alegasyong may kinalaman siya sa iligal na droga.
Nagbigay pa ng step-by-step na paraan ang senadora para makita ng mga nagsusuri kung paano naisama sa Appropriations Law ng America ang naturang kontrobersyal na probisyon.
“Let me summarize in 4 simple steps: Step 1. Look at the Final Bill, which refers to the Explanatory Statement. Step 2. Now, look at the Explanatory Statement, which makes reference to the House and Senate SFOPs bill Reports. Step 3. Look at the Senate SFOPs bill Report, specifically top of page 93. There you will see what you are looking for. It’s the “Prohibition on Entry” provision which specifically mentions, and made applicable to, my situation. Step 4. Go back to the Explanatory Statement and ask yourself—does it specifically negate the language you found on page 93? You will see that it does not. Therefore, the entry ban is in effect. In short, it’s not fake news,” wika ni De Lima.