-- Advertisements --

Nakatakdang bumili ang US Ng 500 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na ipapamigay sa 100 bansa sa loob ng dalawang taon.

Sinabi ni US President Joe Biden na unang ipapamahagi ang 200 milyon doses ng bakuna ngayong taon at ang mga natitira ay sa 2022.

Ang hakbang ay kasunod na pressure na natatanggap ng US mula sa ibang bansa na dapat magbahagi ang mga ito ng bakuna sa mga mahihirap na bansa.

Nasa England ang US President para dumalo sa G7 Summit na siyang kauna-unahang foreign trip nito mula ng maupo sa puwesto.