-- Advertisements --

Binalaan ng US ang Russia na mayroon silang kahihitnan kapag naging agresibo sila sa Ukraine.

Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na malinaw ang naging kautusan ni US President Joe Biden na mananagot ang Russia kapag mayroong pagkakamali silang gagawin laban sa Ukraine.

Inakusahan kasi ng Ukraine ang Russia na naglagay ng maraming mga sundalo sa kanilang northern at eastern borders ganun din sa pinag-aagawang Crimean peninsula.
Mariing pinabulaanan naman ng Russia ang nasabing alegasyon.

Magugunitang aabot na sa mahigit 13,000 katao na ang nasawi sa patuloy na labanan ng Ukraine at Russia sa kanilang borders.